top of page

Bubble Gang: Nakakaaliw na gags hinggil sa Good and Bad ng paghuhubad

Nakakaaliw at nakakatuwang panoorin ang Bubble Gang Friday night na tampok ang Comedy Genius Michael V.

Tampok na gags ang usapan hinggil sa Good and Bad ng paghuhubad. Marami ngayong kabataan:lalaki o babae na mahilig pakita ng magagandang katawan.

May iba’t ibang dahilan ng paghuhubad. Good or Bad.

Panauhin sa no. 1 gag show sa bansa sina Ashley Rivera at RJ Padilla. Kasama, siempre ang iba pang cast na sina Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania. Sef Cadayona, Kim Domingo, Betong Sumaya at iba pa.

Aabangan sa programa ang nakakakilig sa tuwa na portions:

RAFRAF IN Action, parody kay Raffy Tulfo in Action.

English 1 na kung saan ang professor ay nag di-discuss ng nakatutuwang pamamaraan ng tao sa paggamit ng English word pagdating sa Tagalog sentence.

Tungkol sa Cupaid, Inc. na sketch sa isang cupid na naniningil ng bayad sa serbisyo niya.

Ang Valentine’s Delivery Man, na nagbibigay ng free advice bukod sa kanyang delivery services.

POKMARU VS PAASA (ValAraAshDen/MikoySefJak). Napapanahong debate tungkol sa dalawang grupo hinggil sa Paasa Boys, na napo fall in love ang Girls. Pokmaru, ang Girls na madaling nahuhulog sa patibong ni lalaki.

Portion din sa show ang Marriage Counsellor, na pakay ay paghiwalayin ang couple at di pagbuin.

Andito pa rin ang What’s the meaning. At ang Ligaw Hindi na weird ways sa pagpapakita ng pag-ibig.

 
 
 

Opmerkingen


0276246047

©2021 by phnews2go.

bottom of page