top of page

PR Director & Talent Manager MARK TAÑALA at Idolo Ng Masa,IMELDA PAPIN, Nagsanib Pwersa.

Nagkita at nag-kausap ang Music Icon at Philippine Juke Box Queen

na si IMELDA PAPIN at ang PR at Talent Manager, na si MARK TAÑALA, ng dalawin ito ng huli sa kanyang bahay sa Quezon City.


Si Mark, na dating Manager ng nakakabatang kapatid ni Imelda, ay may inilapit na Proyekto, para sa constituents nito sa kanyang probinsya sa Camarines Sur, na kasalukuyang Vice Governor ng nasabing lugar.


Matagal-tagal din na hindi nagkita ang dalawa, dahil sa nag-concentrate sa mga negosyo ang PR/Talent Manager na si Mark. Siya ay nagbukas ng isang Bar at Restaurant, noon sa Danao City, province of Cebu na pinangalan  niyang i8FINITY RESTO BAR & DISCO, ngunit ito ay napasara dahil sa pandemic.


Ngunit ayon kay Mark, ay muli nya itong bubuksan at bubuhayin, pag gumanda at lumuwag na ulit ang probinsya at papayagan ng muli ang 100% seating capacity. . Sa kasalukuyan ay muling sinisimulan ng Talent/PR Manager na i-promote ang kanyang mga alagang talent.


Ilan sa mga hinahawakan nitong mga talent ay sila Whitney Tyson, na inyong napapanood sa ANG PROBINSYANO, na pinagbibidahan ni Coco Martin at Yassi Presman. Kasama pa rin sa mga talents niya ay ang Elev8 na hinirang na Most Outstanding All Male Group of 2017, Teleserye Actor Marco "BIBO" Bayona, Manila's Golden Girl Of Jazz Olivia, at si Julie Fatt na tinaguriang the BALBACUA QUEEN of Cebu.


Ilan din sa pinagkakaabalahan ni Mark ay ang  pagama-manage ng sariling Entertainment Production na MLIT ARTIST MANAGEMENT & EVENTS PRODUCTION, at PH NEWS 2GO, SEMTER PHILIPPINES  na kanya ring pagmamay-ari. .


Sa kasalukuyan ay active siya sa pakikipag-ugnayan sa maraming kliyente na mga Public Servants o Politicians kagaya ng mga Councilors, Mayors, Board Members, Congressman and Governonrs sa ibat-ibang dako ng bansa. Sa

katunayan ay halos wala nang pahinga sa kakiikot at kabibiyahe ni Mark sa kanyang mga kliyente, lalo na sa mga probinsya ng Pangasinan, Tarlac, La Union, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon, Camarines Sur at Sorsogon. Meron din syang ibang mga kliyente sa probinsya ng Bohol, Cebu , Negros Island at Panay Island.


Kung  nais nyo ng serbisyo ni Mark Tañala, bilang PR Manager or Events Manager, maari nyo syang makausap o ma contact sa kanyang FB or Instagram account na may pangalang Mark Tanala. Siya rin ay isang Project Facilitator sa mga Proyekto ng Gobyerno. Lubhang natutuwa naman di umano si Vice Governor, Imelda Papin, na dalawang beses pinarangalang Most Outstanding Vice Governor of the Philippines na nais makatulong ni Mark Tañala, sa probinsya nito.




Comments


0276246047

©2021 by phnews2go.

bottom of page