top of page

SORPRESANG PAKIKIPAGKITA NI SPEAKER CAYETANO KAY MAYOR PAJARILLAGA

Updated: Feb 19, 2021

Nasorpresa ang Gen. Tinio, Nueva Ecija sa pamumuno ni Mayor Isidro T. Pajarillaga sa biglang pagdalaw ni Speaker Allan Peter Cayetano kasama ang kanyang kabiyak na si Lani, na kongresista ng Taguig.


Namigay rin ng mga pang-ayuda si Cayetano sa mga naapektuhan ng pandemya sa naaabing lugar. Nagtungo rin sya sa asosasyan ng mga pastor kung saan nagbahagi siya ng mga salitang nagbibigay ng inspirasyon at salita ng Diyos. Si Speaker ay kilala bilang isang kongresista na may malalim na ugnayan sa ating Panginoon.


Si Mayor Pajarillaga ay nagdaos ng kanyang kaarawan noong Pebrero 1 at sinabi niya na imbes na siya ay regaluhan, nais nyang siya ang magregalo sa mga taga Gen. Tinio sa pamamagitan ng ibayong serbisyo publiko.


Isang karangalan ang mabisita ni Speaker Cayetano na balita na sa Nueva Ecija, Gen. Tinio lang ang kanyang pinuntahan. Isa rin itong pagkilala sa mga nagawa at gagawin pa ni Mayor Pajarillaga.


 
 
 

Comments


0276246047

©2021 by phnews2go.

bottom of page